May 5, 2024

OBIENA, NAGTAPOS SA 8TH PLACE SA SWEDEN MEET

Nagtala si EJ Obiena ng new season-best matapos iposte ang 5.70 meters. Kaya naman, pumuwesto siya sa 8th place sa 2022 Biejer Stavhoppsgala sa IFU Arena sa Uppsala, Sweden.


Kapos ang ang world number 5 pole vaulter ng inches short. Kung saan, naitarak nito ang third at final attempt sa 5.81 meters.


Kailangan sana ni Obiena ng second change ng 5.55 clearance. Gayunman, hindi naman masama ang final result na 5.70 meters. Lao na’t isang beses niya itong nagawa sa unang pagtatangka.


Nagtala naman si hometown bet Armand Duplantis ng new-world leading mark. Nagtala ito ng 6.04 meters upang umusad ang kanyang winning streak. Naisubi din nito ang gold medal sa torneo.
Kapwa naglista naman sina Chris Nilsen at KC Lightfoot ng US ng 5.92. Nahablot ni Nilsen ang silver medal.