May 16, 2024

SABONIS, BUMIDA SA PAGGAROTE NG KINGS SA WOLVES, WARRIORS, BINITAY NG JAZZ

Nagpakitang gilas agad si Domantas Sabonis na bagong salta sa Sacramento Kings. Naglista ito ng double-double sa pagbistay nng Kings sa Minnesota Timberwolves, 132-119.


Kumana si Sabonis ng 22 points, 14 boards at 5 assists. Bumira naman si Harrison Barnes ng 30 points at 8 boards. Habang si D’ Aaron Fox ay lumagare ng 27 points at 8 rebounds.


Nanguna naman si Bojan Bogdanovic sa blow-out win ng Utah Jazz. Ginarote ng Jazz ang Golden State Warriors, 111-85. Nagtala si Bogdanovic ng 23 points at 6 rebounds.


Nag-ambag naman si Donovan Mitchell ng 14 points at 10 boards. Bumandera naman sa opensa ng GSW si Jordan Poole. Kumana ito ng 18 points at 3 boards. Samantalang 16 points ang ipinalawal ni Steph Curry.