PANSAMANTALANG isinara ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang isang Chinese restaurant sa Makati City at ang apat pa nitong branch dahil sa tax violations.
Ayon sa BIR, ipinadlak ng “Oplan Kandado” team ng Revenue Region No. 8A-Makati City ang Shanzhen Haiwei Food Corp. (Shanzhen), kabilang ang iba pa nitong branch sa Gil Puyat Avenue, Makati City; Ayala Mall Manila Bay, Parañaque City at dalawang iba pa sa Bonifacio Global City, Taguig City.
“Results of the Regional Investigation Division’s surveillance conducted in February 2023 showed that the said establishment failed to register one of its branches, failed to issue registered receipts/invoices and understated its sales by more than thirty percent (30 percent), in clear violation of Section 115 of the NIRC (National Internal Revenue Code) of 1997, as amended,” nakasaad sa statement ng BIR. “Procedural due process was duly given to the said taxpayer by BIR Revenue Region (RR) No. 8A-Makati City, headed by Regional Director Florante Aninag, through the issuance of a 48-Hour Notice to explain the violations, and another 5-day VAT Compliance Notice to rectify the tax payment, but said taxpayer failed to comply with the said notices,” ayon sa BIR.
Ang pagsalakay ay isinagawa ng grupo kaugnay sa kampanyang “Oplan Kandado” kung saan ang puntirya ay ang mga establisyimento na hindi nagbabayad ng buwis sa pamahalaan.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO