May 21, 2024

‘1st Hon. Marjorie Ann Teodoro Invitational’ DRAGONBOAT RACE FESTIVAL SASAGWAN SA MARIKINA

Si Mayor Marcy Teodoro at PCKDF top official Len Escollante matapos ang MoA signing.

KUMPIRMADO na ang pagsagwan ng 1st Hon. Marjorie Ann Teodoro Invitational Dragonboat Race 2023 sa Marikina Riverbanks sa Hulyo 31 kasabay ng pagsumbat ng Palarong Pambansa  na ihu-host ng Marikina City sa Hulyo 31.

Sa pamamagitan ng MoA signing sa pangunguna nina Mayor Marcelino R. Teodoro, Engr. Felix Romeo Maderal, Hadji Tejada, Dr. Eliza Cerveza, Dr. Angelito Llabres at PCKDF top official Coach Len Escollante ay tuluy na tuloy ang karera at sagwan sa Riverbanks ng Marikina sa katapusan ng buwang kasalukuyan.

“I’m happy and deeply honored that  the first Dragonboat race festival will finally held at the riverbanks of Marikina City.   

Inaanyayahan natin ang mga Mariqueños na saksihan ang pambihirang kaganapang sagwan at karerahan sa tubigan ng pamosong ilog sa Marikina at kilalaning personal ang ating mga paddlers na ilan sa kanila ay miyembro ng pambansang koponan sa dragonboat”, wika ni Escollante na kagagaling lang mula sa matagumpay na kampanya ng PCKDF Dragonboat national team na nag kampeon  pagkalahatan sa Suzhon Creek Dragonboat tournament.