Isinusulong ni Sen. Erwin Tulfo ang pagtapyas sa VAT sa 10%
Nagsumite ng isang panukalang batas si Senator Erwin Tulfo na naglalayong ideklara ang buong bulubundukin ng Sierra Madre bilang isang Strict Protection Zone.
Ang hakbang na ito ay bunsod ng lumalalang deforestation o pagkaubos ng kagubatan, pati na ang tumitinding banta mula sa mga aktibidad ng pagmimina at land conversion sa naturang lugar.
Layunin ng nasabing panukala na paigtingin ang mga pagsisikap sa konserbasyon at tiyakin ang proteksyon ng Sierra Madre, na kinikilala bilang isa sa pinakamahalagang natural na depensa ng bansa laban sa malalakas na bagyo.
Sa ilalim ng panukalang ito, mas hihigpitan ang pagbabantay sa kalikasan upang mapangalagaan ang ekolohiya at ang mga komunidad na dumedepende rito.
