May 17, 2024

Si Duterte ang gustong ka-tandem… WILLIE REVILLAME, ‘DI KAY TITO SOTTO SASAMA SA PAGKA-SENADOR

HINDI raw totoong kay Tito Sotto siya nakaline-up, hindi siya kasama para sa senatorial candidates ni Tito Sotto. Dahil ang alam naman ng lahat, ay sa tiket ito ni dating Pangulong Duterte

“Hindi naman ho tinatago ni Kuya Willie, na isa siyang loyal supporters ni dating President Rodrigo Duterte. “Close siya sa mga big allies nito, gaya na lang ni Senador Bong Go.

Niligawan nga siya noon, para mapabilang sa ticket ni Duterte. Nang magdesisyon siya, sa ticket ni Duterte siya kasama dahil nakumbinse siya ng mga ito,” chika pa ni Miss. Bubuwit, na aking source.