May 2, 2024

Motorsiklo sumalpok sa nakaparadang truck; 2 patay

PATAY ang dalawang katao nang aksidenteng sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa isang ten wheeler truck kahapon ng madaling araw sa sa Tuy, Batangas.

Dead on arrival ang mga biktimang sina Mark Gian Hernandez, 31-anyos, at Retito Ramirez, 36-anyos, kapwa residente sa Barangay San Mateo, DasmariƱas City Cavite dahil sa tinamong matinding pinsala.

Sa ulat ng Tuy Municipal Police Station, dakong alas-4:30 ng madaling mabilis na tinatahak ng mga biktima sakay ng Yamaha Sniper, ang Northbound direction ng Barangay Sabang patungo sa Tagaytay City, nang mabulaga nang mabulaga sa nakaparadang Isuzu ten wheeler truck sa outer lane ng kalsada na minamaneho ng driver na si Rustico Salas, 57-anyos.

Sumalpok ang nasabing motosiklo sa likurang bahagi ng truck na naging dahilan upang tumilapon at bumagsak sa sementadong lansangan.

Kaagad isinugod sa Don Manuel Lopez Memorial Hospital ang mga biktima pero idineklarang dead on arrival.

Pansamantalang nasa kustodiya na ngayon ng Tuy Municipal Holding and Custodial Facility ang suspek at nahaharap ito sa mga kasong Reckless Imprudence in Resulting to Multiple Homicide and Damage to Property at Illegal Parking. (KOI HIPOLITO)