May 18, 2024

SHOWBIZ CAREER NI LENARD ASH, NAUDLOT SA PAGPANAW NI DIREK MARYO J. DELOS REYES

MAY malaking paghihinayang si Lenard Ash dahil naudlot ang kanyang pagiging artista sa GMA-7. Ito’y matapos pumanaw ang mentor nitong si Direk Maryo J. Delos Reyes, pero ganun pa man ay hindi pa rin nawalan nang pag-asa ang bagets na actor.

“Hindi naman po ako nagmamadali, kasi malaki naman po ang aking paniniwala na nahasa ako nang mabuti kay Direk Maryo J. Kaya kaya ko naman pong makipagsabayan sa mga artistang kaidaran ko. Mga pagsubok lamang po yang dumating sa akin, alam ko naman na makakayanang kong malagpasan ang lahat, isa pa batra pa naman ako at marami pa akong matutunan sa aking buhay artista,” saad niya.

“Halos lahat naman po ngayong may pandemic sa ating bansa, halos tigil naman lahat. Marami ang nawalan nang trabaho, ordinary man itong tao o mga artista ay talagang wala munang trabaho sa ngayon. Malaki naman po ang aking paniniwala, na muling aarangkada ang showbiz upang tayong lahat ay makabawi,” dagdag pa niya.

“Ako naman iyong mga fans ko, patuloy naman po nila akong nakakausap through Facebook. Type lang nila ang Lenard-Ash Yan, makakausap na nila ako. Iyan po kasi ang aking FB account, at handa naman po akong sagutin lahat nang kanilang mga text messages,” masayang pahayag ni Lanard-Ash.