May 18, 2024

COCO MARTIN MAS PINILING MANAHIMIK NA LAMANG

NASA Batangas pala si Coco Martin kaya nang idaos ang Kapamilya caravan na tumungo sa Kongreso nu’ng Friday ay hindi man lang nagpakita ang aktor.

Maging sa vigil daw last ay hindi rin ito sumipot, iyon pala ay busy ang aktor sa taping niya sa Batangas.

Hanggang sa ngayon ay alam natin na hindi pa humuhupa ang galit ni Coco pero mas pinili nitong manahimik na lang. Sa bagay wala ring magagawa ang pag-iingay niya dahil lalo lamang iinit ang kanyang ulo. Dahil sa hanggang ngayon ay hindi pa rin niya tanggap ang kinahinatnan ng kanyang “Ang Probinsiyano” na nadamay sa pagsasara ng ABS-CBN.

Para rin sa aktor tuloy pa rin ang laban ng Kapamilya at alam niyang darating iyong time na muli silang makapagbibigay ng saya sa kanyang mga kababayan.

Well, natuto na siguro itong si Coco Martin. Dahil kung puro init ng ulo ang kanyang paiiralin ay malamang na tuluyan na siyang mawalan ng mga tagahanga kaya imbes na galit mas pinili na lang nitong manahimik.