May 18, 2024

SHARON & GABBY FANS, NAMAMAHALAN SA VIP TICKET NA P18K SA MOA AT P25K SA OKADA MANILA

NAMAMAHALAN talaga ang mga fans nitong sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, para sa reunion concert ng dalawa. Sinamantala talaga ng producer nina Sharon at Gabby na may titulong ‘Dear Heart’ concert sa MOA sa presyong P18K sa October 27 na iyan. Pero mas mahal ang ‘Dear Heart’ concert nila sa Okada Manila na nagkakahalaga ng P30K, at sa October 30 naman ito gagawin.

“Grabe sa mahal ang mga VIP tickets, kung kailan pa sila nagsitanda doon pa sila nagmahal ng presyo gayung hindi naman na sila nakakakilig tignan at panoorin.

“Sa mahal ng tickets, parang pinahirapan lang nila mga followers nila matagal din silang hindi napanood ng kanilang mga fans. Hindi nila inisip na taghirap ngayon, kaya iyong ibang mga fans ay hintayin na lang nila sa Youtube na ipalabas iyan,” chika ng aking source na basher ni Sharon.