May 18, 2024

Blessed daw sa kanyang big lips… ANNE CURTIS HINDI IPAOOPERA ANG BUNGANGA

DEDMA lang si Miss. Anne Curtis, sa bira ng isang basher. Hindi na lang niya ito pinatulan at sa halip ay ipinagmayabang pa niya ang mga blessings na nakamit niya mula sa kanyang lips at maluwang na bungaga.

“Hindi pumasok sa isip ko na ipa-surgeon ko ang aking malaking bunganga. Bagay at match naman ito sa aking mukha, kaya sa tuwing ngumingiti ako lumalabas ang tunay na ganda ko.

“Hindi ko kailangan ng surgeon, dahil I was born and blessed with these lips or bunganga. Malaking tulong iyan sa aking mukha, at marami namang nakakagusto.

“Basta kung ano man ang nakikita ninyo sa mukha ko, totoong lahat iyan at walang salamat doctor. At proud akong may malaki akong lips at bunganga, dahil diyan ay marami akong napapasayang mga tao,” nakangiting pahayag ni Anne Curtis.