April 29, 2024

SHARON CUNETA, NA STRESS DAHIL SA MGA BASHERS?

Walang nakaaalam lalo na ang mga Press sa biglaang paglisan ni Megastar Sharon Cuneta ng Pilipinas.

Nagtungo nga ang actress sa America upang doon magtanggal ng kanyang stress na tinamo raw sa kanyang mga kadramahan sa social media, ayon iyan sa mga bashers niya.

Sobrang drama raw nito at may paiyakiyak pa ito sa kanyang mga video sa social media. Marami sa kanyang mga bashers ang naiinis sa pagiging KSP ni Tita Shawie.

Bumalik sa kanya ang kanyang mga pinaggagawa sa social media. Hindi talaga siya makakahinga dahil sobra-sobrang drama ang kanyang ginagawa.

Kaya hayun, na stress daw ang Megastar. Sabi naman ng isa niyang basher, nakarma raw si Megastar.

Dahil iyong mga patama niya sa Presidente ng Pilipinas at mas pinaburan ang VP na ayon sa kanya ay disente.

Hindi naman kumporte ang madlang pipol at lumabas siyang KSP. Kaya nga nang magpakita ito ng kanyang dibdib, mukhang nagulo raw ang mundo ni Sharon dahil hindi naman ito nagustuhan ng madlang pipol.