May 10, 2024

NORA AUNOR, GUSTONG SI SANYA LOPEZ ANG GUMANAP NA ‘SUPER GEE’

Malaki ang tiwala ni Superstar Ms. Nora Aunor sa kakayahan ni Sanya Lopez. Kaya naman galing mismo sa bibig ni Nora na gusto niyang gumanap na ‘Super Gee’ ay ang bida sa First Yaya.

Dahil malaki ang tiwala niya na kayang-kaya ni Sanya ang role na ‘Super Gee.’ Maging ang mga Noranians ay hanga rin sa kagandahan at ka-seksihan ni Sanya.

Kung pag-arte naman ang pag-uusapan ay hindi na rin naman pahuhuli ang aktres. Si Sanya ang choice ni Nora. Dahil nakitaan niya na may husay ito at kaya niyang gampanan ang character ni ‘Super Gee.’

Maswerte si Sanya dahil, nakitaan siya ng kakayahan para pagkatiwalaan ng isang Superstar na gaya ni Ms. Nora Aunor.