May 19, 2024

SHARON CUNETA AT MARCO GUMABAO, NAGGAMITAN PARA SA PELIKULANG ‘REVIRGINIZED’?

Grabeng gimik ang ginawa ni Sharon Cuneta sa bagong movie nito sa Viva. Para lang kumita ang pelikula nila ni Marco Gumabao.

Pinatulan naman ito nina Sharon at Marco. Kaya naglabasan ang kung anu anong mga video tungkol sa pagmamahalan ng dalawa?

Marami sa mga fans ang hindi natuwa sa ka-dramahang ito nina Sharon Cuneta at Marco Gumabao. Pinapalabas nilang na revirginized talaga si Tita Shawie, iyong ibang mga fans shocked.

Pero ang lahat ng iyan ay may basbas ng asawa ni Sharon, dahil gusto niyang makatulong dahil matagal nang lumamlam ang career nito.

Tingnan na lang natin kung papatok ang mga bagong drama na ito ni Sharon, tinaon pa talaga niya na walang sure na mapanood itong pelikula nila sa mga sinehan.

Sa ngayon hirap ang mga tao sa pera at natapat pa sa pandemya. Sana suportahan ang bagong gimik na ito nina Marco Gumabao at Sharon Cuneta. MATT GARCIA