May 19, 2024

JOHN ARCILLA, EMOSYUNAL SA PAGPANAW NG 10 KAANAK SA PANAHON NG PANDEMYA

Bagama’t marami ang inis kay John Arcilla sa ‘Ang Probinsiyano’, may pinagdadanan pala ito. Kontrabida si John sa action series at talagang effective ang kanyang akting. Kaya nga siya naging award-winning veteran actor sa pagganap niya bilang ‘Heneral Luna’.

Pero, may iniinda itong kalungkutan. Papaano ba naman kasi, pumanaw ang 10 kaanak niya sa loob lamang ng isang taon. Ang mga ito pala ay tinmaan ng COVID-19.

Nagpahayag ng kanyang saloobin si John sa kanyang social media account. Kung saan, naging emosyunal siya sa pagsubok na pinagdadaanan ng kanilang pamilya.

Ayon kay John, huling pumanaw saa kanilang pamilya ang kanyang kapatid na si Emmanuel. Dinala ito sa ospital sa Baler sa Aurora noong June 14. Ngunit, di na umabot ng buhay.

Ayon sa kanya, nagpositibo sa COVID-19 ang kapatid. Ang masakit, hindi niya nasilayan ang labi nito. Kasi, inilibing agad dahil sa pinaiiral na safety at health protocols.

Aniya, nagdurusa rin sa diabetes at hypertension ang kapatid sa loob ng ilang taon. Inihayag din ni John na nagpositibo siya sa COVID noong January 2021. pero, nakaligtas siya.