May 18, 2024

SHAINA MAGDAYAO, DOUBT PANG-PASUKIN ANG PAGMAMADRE

MARAMI ang nanghihinayang kung totoo ngang papasukin ni Shaina Magdayao ang mundo ng mga Madre. Ang isang dahilan ay sayang ang kasikatang tinatamasa niya sa mundo ng showbiz.

Pinag-iisipan pa rin daw ni Shaina kung papasok siya sa kombento para mag madre at kung iiwanan na niya ang mundo ng showbiz na kanyang ginagalawan sa ngayon. Kaya naiipit siya ngayon, pero iba kapag may tawag sa iyo ang Dios para paglingkuran siya.

Pero mukhang desidido na siyang pasukin ang pagmamadre dahil ayon kay Shaina, ang katanyagan ate pera ay pansamantala lamang na kaligayahan sa mundo. Pero ang maglingkod sa Dios ay habang buhay na kaligayahan at kaligtasan para sa isang taong gaya niya.