May 18, 2024

KATHNIEL, MAYWARD AT LIZQUEN, AYAW PAKAWALAN NG ABS-CBN

ANO kaya ang dahilan ng ABS-CBN at ayaw pa nilang pakawalan ang love team na KathNiel, MayWard at LizQuen, gayung shutdown naman na ang kanilang TV network? Pero iyong iba nilang mga talent ay kanilang pinayagang kumawala sa kanilang poder. Ano raw ba ang kanilang dahilan?

Ang chika, malakas daw magakyat ng pera ang mga nasabing love team. Kaya ayaw nila itong pakawalan at isa pa, malaki ang kanilang karapatan dahil exclusive contract ang pinirmahan ng mga ito sa kanilang network.

Kung project din naman ang pag-uusapan, pwede lang silang lumabas sa show ng ABS-CBN, sa YouTube, o sa iba pang platform na kanilang hawak. Kaya hindi rin daw sila mawawalan ng mga project. At andyan naman din ang Star Magic na handa rin silang bigyan ng pelikula.

May tsismis nga na kahit wala silang project ay patuloy pa rin silang sumusweldo sa nasabing network, kaya kampante lang naman sila at hindi nagaalala sa sitwasyon ng kanilang showbiz career.