Sa pamamagitan ng DOLE-CALABARZON at ng opisina ni Senador Lito Lapid, nabiyayaan ang may 378 benepisyaryo ng TUPAD o Tulong Panghanapbuhay sa ating Displaced/Disadvantage Workers sa Pakil at Cavinti, Laguna ngayong Miyerkoles, Jan. 10.
Tumanggap ng tig-P5,200 ang bawat benepisyaryo na karamihan ay mga kababaehan na naglinis sa ilang paaralan at kalsada sa nasabing dalawang bayan sa loob ng sampung araw.
Ang distribusyon ng pasahod ay pinangunahan nina Pakil Mayor Vince Soriano, Cavinti Mayor Arrantlee Arroyo, DOLE-Laguna provincial director Lorena Gacosta, Erwin Agutaya at Benjie Navea, bilang mga kinatawan ni Supremo.
Sa pamagitan nina Mayor Soriano at Mayor Arroyo, todo pasasalamat sila kay Supremo sa napapanahong biyaya para sa kanilang mga kababayan na nangangailangan.
Ayon sa ilang benepisyaryo, malaking pasalamat nila kay Sen Lapid sa tulong nito na mabigyan ang kanilang pamilya ang ayuda na maibibili ng mga pagkain at mga maintenance drug ng kanilang may sakit na mahal sa buhay.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO