May 8, 2024

DAN PALAMI BUMABA NA BILANG AZKALS MANAGER

Bumaba sa puwesto bilang Philippine men’s national football team manager si Dan Palami.

Sinabi nito na ang agarang pagbibitiw nito ay para magkaroon ng kalayaan gumalaw si Philippine Football Federation (PFF) President John Gutierrez.

Dagdag pa nito na nag-move forward na ang PFF at nais niya lamang na tumulong.

May mga inilaan na plano na sila ng PFF president para sa men’s football ng bansa.

Mula pa noong 2009 ay bahagi ni si Palami sa Azkals kung saan siya ang itinuturing na nagpakilala muli ng larong football sa bansa.

Sa kaniyang pamumuno rin ng nakapasok sa semifinals ng AFF Suzuki Cup noong 2010.

Naulit pa ito noong 2012, 2014 at 2018 hanggang sa unang pagkakataon ay nakapasok sil asa 2019 AFC Asian Cup. RON TOLENTINO