
HINDI pala niya natapos ang college sa La Salle, at hindi pa niya natapos ng buo ang dalawang semester. Ito ay dahil sa problema niyang pinansyal, kaya Self-supporting pala siya noon.
“Mahirap pag-wala kang pera, malaking hadlang iyon para sa pangarap mong makatapos ng pag-aaral.
“Yung aking mga kinikita sa commercials, iyon ang pinangtutustos ko sa aking pag-aaral. Kaya nang maging matagumpay ako sa aking showbiz career, nagtayo ako ng foundation na makakatulong sa mga kabataan na gustong makapagtapos ng kanilang pag-aaral
“Mayroon akong 25 na scholars, paaral ko ang mga iyon at masaya naman ako dahil nakakatulong ako sa maliit kong pamamaraan para mapagtapos sila,” kwento pa ni Alden Richards.
