April 29, 2024

JANELLA SALVADOR AT JANE DE LEON, READY NASA GIRLS’ LOVE MOVIE O SERIES

PAYAG pala sina Janella Salvador at Jane de Leon, na lumabas sa girls’ love movie man ito o series.


Parehong maganda at sexy ang dalawa, pero sino kaya sa dalawa ang may pagka-berde ang dugo?


“Trabaho lang naman ang lahat para sa dalawa, hindi nila ito binibigyan ng malisya. Kung sa iba pangit ang dating o malaswa, hindi naman sila aabot sa ganuong eksena.


“Wala raw may dugong T-Bird sa kanila, tinanggap nila ang offer ng Regal dahil alam nilang makakatulong ang movie project na may title na ‘How To Be A Good Wife’ sa kanilang mga career bilang artista,” chika pa ni Miss. Bubuwit na aking source.