December 21, 2024

Selebrasyon ng ika-117th founding anniversary ng Navotas, sinimulan

SINIMULAN na ng Pamahalaang Lungsod ang ilang serye ng mga aktibidad para sa paggunita sa ika-117th founding anniversary nito sa January 16.

Ang Navotas Day celebration na may temang “Angat All, Saya All sa Pakikipagkapwa,” ay sinimulan ang kasiyahan nito sa Misa ng Pasasalamat at Pistang Kristyano nitong Lunes, January 9.

Ang Kalye Fiesta, isang banchetto-style night market, ay magbubukas din sa Navotas Citywalk at Amphitheatre.

Ngayong araw, idinaos ng Navotas ang Araw ng Mangingisda, tampok ang mga kompetisyon sa karera ng bangka at pag-aayos ng lambat, pamamahagi ng NavoBangka, at paggawad ng Top 10 Most Outstanding Fisherfolk.

Bibigyan din ng Navotas ng pagkilala ang Top 20 Taxpayers sa Business and Realty sa Enero 13.

“We invite everyone to join our celebration. While the past years have been challenging for all of us, we remain thankful for the blessings, protection, and guidance we received from the Almighty,” ani Mayor John Rey Tiangco.

Kasama rin sa Navotas Day line up ng mga aktibidad ang Zumba at Health Caravan para kina Lolo at Lola, Funbike at Funbikers’ Race, at Open Air Martial Arts Exhibition.

Ang iba pang mga kaganapan sa loob ng isang linggo ay ang sabay-sabay na aktibidad sa paglilinis, pamamahagi ng cash aid sa mga solong magulang, mega job fair, at mga webinar ng financial literacy.

Sa pagtatapos ng pagdiriwang, mamimigay ang pamahalaang lungsod ng 5-kilong packs ng bigas sa mga residente sa Enero 16-21.

Nauna rito, nagbigay din ng Christmas hams ang pamahalaang lungsod sa mahigit 80,000 pamilyang Navoteño.