May 19, 2024

SECURITY GUARD NAGBIGTI SA NAVOTAS


Natagpuan ang walang buhay na katawan ng isang 34-anyos na security guard na nakabigti sa kisame ng isang fishnet warehouse sa Navotas City, kahapon ng umaga.

Ayon sa pulisya, kinilala ang biktima na si Rodelo Corentin, security guard ng SAS Shipyard sa 1112 M. Naval St. Brgy. San Jose.

Sa pahayag ni Orlando Samson, empleyado ng shipyard, papasok siya sa warehouse dakong alas-5:50 ng umaga nang makita niya si Corentina na nakabigti sa kisame gamit ang isang nylon cord looped.

Kaagad siyang humingi ng tulong sa kanyang mga kasamahan at kalaunan ay inireport ang insidente sa pulisya.

Rumesponde sa naturang lugar ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operation (SOCO) at inilipat ang bangkay sa Nate Funeral homes para sa autopsy examination upang matukoy kung may foul play sa insidente. (JUVY LUCERO)