May 6, 2024

SBP BET PA RIN SI TIM CONE

SI Tim Cone pa rin ang napupulsuhan ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na maging head coach ng Gilas Pilipinas.

Ayon kay Cone na wala siyang ideya kung nakapagdesisyon na ang SBP ukol sa nasabing usapin.

Nagkausap na sila noong nakaraang mga linggo aniya ng ilang opisyal ng SBP at lumalabas na nais pa siyang panatilihin sa pagiigng coach ng national basketball team.

Pinayuhan na lamang nito ang publiko na hintayin na lamang ang anunsiyo ng SBP ukol sa nasabing usapin.

Nakatakdang magkaroon ng exhibition games ang Gilas laban sa Hong Kong sa Pebrero 22 sa Tsuen Wan Stadium na susundan ng Chinese Taipei at ito ay gaganapin naman sa Philsport Arena. RON TOLENTINO