May 19, 2024

Gustong sapakin ni Enrique… LIZA SOBERANO INAHAS NI DANIEL PADILLA

ANG balita ko nang makarating ang chika na pinormahan ni Daniel Padilla si Liza Soberano, sumabog raw sa galit itong si Enrique Gil. Kahit magkaibigan sila ni Daniel, ay nabwisit ito at nagalit kay Deej na gusto niya itong sapakin.

“Hindi makapaniwala si Enrique Gil, na pinormahan pala ni Daniel Padilla ng lihim si Liza Soberano. Kahit alam nitong mag-on na sila ni Liza, kaya sa galit ni Enrique ay gusto niyang sapakin ang dating kaibigan.

“Hindi akalain ni Enrique, na may pagkatraydor itong si Daniel. Mabuti na lamang at hindi naniwala si Liza Soberano, sa mga pagdiga at pambobola ng actor.

“Ngayong buking na niya si Daniel, mukhang malabo pa sa ngayon na maging okay silang dalawa. Ang ayaw pa naman ni Enrique sa isang kaibigan ay iyong isang ahas at traydor, kasi hindi naman daw niya gawain ang gayun lalo pa sa kaibigan,” kwento pa ng aking source.