May 7, 2024

SANYA LOPEZ, WILLING SUMALI SA BEAUTY PAGEANT, PERO DI PA RAW SA NGAYON

Open aniya si Kapuso actress Sanya Lopez na sumali sa beauty pageant in the future. Ito’y bunsod na rin ng paghimok ng mga kakilala niya na subukang sumali sa mga beauty pageant.

Kahit na ang 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach ay sinasabihan si Sanya na sumali. Nag-alok din ito ng tulong para sanayin ang aktres kung papayag ito.

Whenever you’re ready, we’re here waiting for you,” sabi ni Pia sa isang panayam.

Pero, kung si Sanya ang tatanungin, hindi pa raw sa ngayon. Gayunman, masaya siya dahil napipisil siya ng madla na sumali. Flattered din ang Bulakeñang aktres sa suggestion ni Pia.

Hindi naman daw niya isinasara ang pintuan o pagkakataong subukan ito. Sa ngayon daw kasi, hectic ang sked niya dahil sa mga projects sa Kapuso Network.

As of now, I have lots of good projects with GMA so it’s hard,” sabi ni Sanya.

If that’s what fate has in store for me in the future, well, let’s see,” aniya.