May 7, 2024

JASMIN-CURTIS SMITH, NABINGWIT NA NG CROWN MANAGEMENT NI MAJA SALVADOR

Kabilang na rin pala si Jasmine Curtis-Smith sa nabingwit ni Maja Salvador sa Crown Management nito. Kasama ni Maja si Rambo Nuñez sa nasabing talent management.

Katunayan, nagpost ang aktor na si John Lloyd Cruz sa Instagram. Kung saan, kasama nito sina Maja at si Jasmine. May caption ito na pinamagatang ‘Bituin’.

Naipahayag din ni Jasmine ang pagpapalit nito ng management company. May post siya sa kanyang social media account na: “To new beginnings at @crownartistmgmt”.

Dahil dito, may contract na ang aktres sa GMA Network. May posibilidad na magsama din si John Llopyd at Jasmine sa isang project.

About Jasmine, may sitsit na muli siyang itatambal kay Alden Richards. Kung maalala, nagtambal na ang dalawa sa isang episode ng ‘I Can See You’ . Kung saan, ang papel nito ay isang nurse. Nagsama na rin ang dalawa sa pelikula.

Ka-love triangle si Jasmine sa love team noon ng ‘Aldub’.