DOMINADO ng Sambo National team at University of Santo Tomas ang katatapos lang na 1st Mayor Abraham “Bambo” Tolentino Cup; 4th Pilipinas Sambo National Championships nitong nagdaang Marso 4-5 sa Fora Mall Filinvest, Tagaytay City.
Walong gintong medalya ang ibinulsa ng National team sa pangunguna nina mixed martial arts champions Geli Bulaong at Robin Catalan na sumuntok ng husto sa women at men’s combat Sambo category.
Ginulpi sa finals ng tubong Malolos, Bulacan fighter na si Bulaong si Drew Soriano ng Muntinlupa Sambo club sa women’s under-59kgs division, habang hindi nagpaawat sa pagbanat sa men’s under-58kgs si Catalan na hinigitan ang kapwa national team member na si Jeilord Alvarez. Tumapos naman sa third place sina Florence Maguiat ng Grapplers club at Darwin Quintos ng AJJ Sprawler.
Wagi rin ang ibang national team members sa combat Sambo, na dinaluhan mismo ni Mayor Tolentino, na siya ring pinuno ng Philippine Olympic Committee at national sports association na PhilCycling, kasama si Vice Governor Athena Bryana Tolentino, na masugid na pinanood ang mga bakbakan sa isinagawang two-day tournament; sina Godwin Lagbayan na tinalo si Marjan Manahan ng Carmona Sambo club, habang nagbulsa ng bronze medal si Scottie Iverson Abuyon ng Warriors CA sa men’s under-71kgs.
“We’re so grateful to Mayor Bambol and Vice Gov. Athena for the warm and pleasant welcome to the Pilipinas Sambo Federation. We’re truly honored for the unending support that they’ve showed and given us,” pahayag ni PSFI President Paolo Tancontian. “Layunin namin talaga na makapagbigay ng maraming medalya para sa bansa at mas lalo pang mapalawig at mapropagate ang aming sports sa bansa sa malaking tulong ng PSC (Philippine Sports Commission) at POC na patuloy ang pag-suporta at tulong sa amin upang mas lalo pang mapalakas ang aming pampalakasan,” dagdag ni Tancontian na lubos ring pinasalamatan ang PBA Party-Lists ni Cong. Margarita “Migs” Nograles, City of Tagaytay, Sambo Union of Asia, Fora Mall Tagaytay at International Sambo Federation (FIAS).
Kumubra rin ng gintong medalya, kasama ang cash incentives na hatid ni Mayor Tolentino, sina Jiar Castillo ng Twister MMA sa men’s under-64kgs na natakasan si Ruel Catalan ng Catalan MMA para sa silver medal, habang bronze medals sina Paulo Offemaria ng Warriors CA at Kembert Alintoson ng Catalan MMA. Kampeon rin sa men’s 79kgs si Rodian Menchaves ng SPRAWL, na sinundan ng mag-team mates na sina Jade Demacio at Anjonielle Prado ng Grapplers MMA, para sa silver at bronze medals, ayon sa pagkakasunod.
Humakot rin ng medalya ang national squad sa Sports Sambo mula kina Jedd Andre Kim kontra Marlon Malaluan ng Warriors CA sa finals ng men’s under-79kgs; Troy Estrella sa men’s under-71kgs ng balibagin si Carl Estrella ng Valiant MMA; Janry Pamor ng men’s under-58kgs na iwinasiwas si Jayson Agustin ng Sprawl MMA at Nicolo Martinez ng Muntinlupa para sa silver at bronze medals; Aumaegel Princess Cortez na ibinato si Jeannie Espanyol ng UST sa women’s 59kgs at Aislinn Agness Yap na binalikwas si Lea Loren Quimba ng UST.
Kinapos naman sa ginto si Cresente Navares sa men’s 64kgs ng mahigitan ni Brendean Binua ng Baguio City sa Finals, habang nagbulsa ng tansong medalya sina Ace Bayani ng Warriors CA at Emilio Felix Jr. ng Muntinlupa. Nakapag-uwi rin ng titulo sina Jesca Cos ng UST sa women’s under-50kgs ng talunin sina Melodrina Viray ng Brawlers Sport at Kristine Asturias ng Muntinlupa para sa silver at bronze. Ginto rin sina national pool member Danica Barela ng UST sa women’s 54kgs na tinalo sa kampeonato si Amber Arcilla ng National squad, habang kampeon rin si Mizzy Dangiwan ng UST ng higitan si Jeniva Consigna ng UST sa women’s 65kgs division.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW