May 2, 2024

SALCEDA, PITMASTER NAMAHAGI NG 3 WHEELCHAIR SA MGA PWD


ALBAY  – Tatlong wheelchair ang naipamahagi ng tanggapan ni 2nd District Albay Congressman Joey para sa target na benepisyaryong PWD sa Barangay Peñarada at San Roque sa Legazpi City.

Ito ay naging posible sa pakikipagtulungan ng Pitmaster Foundation Inc. na siyang naging sponsor ng nasabing mga wheelchair.

Kabilang sa mga kwalipikadong benepisyaro  ay sina Gil Arcinue. Roselyn Besabe, at Genero Aranas.

Hangarin ng Pitmaster na maitaguyod ang pag-unlad sa gitna ng mga hamong nararanasan ng mga person with disability o PWD.