May 16, 2024

SAKIT NI CARLA ABELLANA, LIVER COMPLICATION AT HYPOTHYROIDISM KAYA SIYA TUMATABA

SA huling taping ng teleserye ni Carla Abellana na ‘Love Of My Life,’ nagtataka ang mga kasamahan niya, dahil patuloy na tumataba ang actress. Maging si Carla Abellana ay na alarma at nagdududa na rin ito sa unti-unti niyang pagtaba. Dahil naka-food diet ang actress at nagwo-workout naman siya three times a week, bakit tuloy-tuloy ang kanyang pagtaba? Kaya nagdesisyon nang magpatingin siya sa kanyang doktor, at natuklasan niyang may karamdaman pala siya.

“May problem pala ako sa liver, may asthma daw pala ako, so kumbaga the more ako nagpatingin, the more na may nahahanap kami. Ang hirap kasi sabay-sabay. Hindi ako makatayo. Sobrang sakit ng tuhod ko and then lumaki ‘yung tiyan ko and sumakit nang todo yung tiyan ko na ang tigas tigas,” malungkot na pahayag ni Carla Abellana.

Sa ngayon ay nagpa-proper diet, workout siya at patuloy na umiinom ng kanyang gamot. Up to now ay worried si Carla sa kanyang health condition, pero kayang-kaya niyang bumalik sa kanyang kalagayan dahil sinusunod naman niya ang payo sa kanya ng kanyang doctor.