April 29, 2024

SACRAMENTO KINGS, GINAROTE ANG LA CLIPPERS, THUNDER, LUPAYPAY SA ROCKETS

Nakabawi ang Sacramento Kings sa kanilang pagkatalo sa laro sa Los Angeles Lakers. Ginarote ng Kings ang LA Clippers sa iskor na 124-115. Bumida sa big win ng Sacramento si De’ Aaron Fox na sumikwat ng 24 points at 5 assists.


Tumulong naman si D. Mitchell sa pagbuslo ng 20 points at 3 rebounds. Sa panig naman ng Clippers, gumawa si L. Kennard ng 19 points.Habang 17 points at 7 boards naman ang inambag ni Ivica Subac. Hindi naman nakalaro ang isa pang star player na si Paul George dahil sa DNP.


Pinataob naman ng Houston Rockets ang Oklahoma City Thunder, 114-110. Nanguna sa panalong ito si Jae’ Sean Tate sa pagbira ng 32 points at 10 rebounds. Ito na ang 4 na sunod na panalo ng Rockets.