May 9, 2024

Sa pagbabalik laro ni Abueva, rating ng PBA tumaas

Iba ang nagawa ni Calvin Abueva sa pagbabalik nito sa PBA. Papaano ba naman kasi, tumaas ang rating ng liga.

Tumaas ang rating sa TV at online ang pagsalang ni Abueva sa Phoenix matapos matengga ng 16 buwan.

Batay sa datus, umabot sa 120,000 viewers sa One Sports’ Facebook livestream ang laro ng Phoenix. Kung saan, naglaro na si ‘The Beast’.

Ito aniya ang pinaka-highest rating sapol nang magkaroon ng PBA bubble. Impressive din ang performance nito sa kanyang comeback game.

Ayon kay Calvin, nasurprise siya sa dami ng viewers sa kanyang laro. Kaya, nagpasalamat siya sa mga fans.

 “Actually, hindi ko in-expect na ganu’n,” ani Abueva.

 “Maski saan, maski kanino, sinusuportahan ako. Hindi ko naman binalewala at pinagsikapan ko hangga’t mapunta ako rito uli,” aniya. 

Nagtala ng 21 points, 13 boards at 7 asssist si Abueva. Dahilan upang manalo ang Fuel Masters laban sa NLEX, 114-110.