May 6, 2024

SA PAG-EXIT NG ALASKA, 7 KOMPANYA, INTERESADO SA KANILANG PRANGKISA

Huling season na ng Alaska Aces ang paglalaro sa Governor’s Cup. Nagpahayag na kasi ang Alaska Milk Corporation (AMC) na aalis na sila sa liga.


Kaugnay dito, 7 kompanya umano ang interesado sa prangkisa ng Alaska. Mismong si Commissioner Willie Marcial ang nagkumpirma rito.


May ilang nagparamdam after na in-announced ng Alaska ang pag-alis sa PBA. Serious ang tatlong company na makapasok sa liga,” ayon kay Marcial.

Ayon naman kay ‘The Dean’ Quinito Henson, 5 ang inquiries sa franchise at 3 ang serious buyers.


Gayunman, hindi inilahad ni Marcial kung anu-anong company ito. Para makasampa aniya sa PBA, dapat munang ma-aprubahan ng two-third ng board ang papalit sa Alaska.Gayundin ang pagtiyak na may pondo ito para mag-manage ng team sa liga.