May 13, 2024

Ryza Cenon buntis

https://www.instagram.com/p/CCE0UkKhMnb/?utm_source=ig_embed

Buntis na sa kanyang first baby ang aktres na si Ryza Cenon.

Ibinahagi niya ang good news sa kanyang Instagram post noong Miyerkoles nang mag post ito ng kanyang larawan na kita ang kanyang baby bump.


‘It’s the small moments that make life big. Happiness is on the way,’  isinulat ni Cenon in kanyang caption, na may hashtags na #prayeranswered, #Godsgift and #newjourney.

Sa isang panamayam sa entertainment site na Pikapika.ph, sinabi ni Cenon na limang buwan na siyang buntis at inaasahan na manganganak ng sanggol na lalaki sa Nobyembre.

Sinabi rin niya na ang ama ng kanyang dinaldala ay ang cinematographer na si Miguel Cruz.