May 2, 2024

Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, umakyat sa 38,805

SUMAMPA  na sa 38,805 ang bilang ng kaso ng coronavirus sa Pilipinas, matapos madagdagan ng panibagong 294 na kaso.

Sinabi ng Department of Health na 294 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 kung saan 52 ang “fresh cases” habang 242 ang “late cases.”

Nasa apat pasyente ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,274 na.

Ayon pa sa DOH, 235 ang gumaling pa sa pandemiya sa bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 10,673 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.