May 18, 2024

RYAN GARCIA, KAKASA KAY JAVIER FORTUNA SA HULYO 2021

Kapwa pumayag sina WBC interim lightweight champion Ryan Garcia (21-0,18KO’s) at Javier Fortuna na maglaban. Ayon sa ulat, magiging headliner fight ito sa DAZN sa July.

Ayon kay Mike Coppinger, maaring ikasa ang bout nila sa LA o sa Las. A Vegas. At kung sino aniya ang mananalo, ito ang sasagupa kay WBC lightweight champion Devin ‘The Dream’ Haney.

Yan ay kung mananalo naman si Haney,22, sa title defense nito kay Jorge Linares. Maghaharap ang dalawa sa May 29.

Unang ikinasa si Haney sa tinaguriang ‘King Ry’ na si Garcia.

Pero, tinabla niya ito at mas gusting makaharap si Gervonta ‘Tank’ Davis. Gayundin si Fighting Senator Manny Pacquiao.Ngunit, tumanggi ang kampo ng Pambansang Kamao na labanan si Garcia sa isang exhibition match.