May 3, 2024

Rookie quarterback Joe Burrow, pumayag sa $36.1 million contract sa Bengals

Pumayag si Cincinnati Bengals at rookie quarterback Joe Burrow sa four-year, $36.1 million rookie contract.

Pinili ng Benglas si Burrow, No.1 overall pick sa 2020 NFL Draft pagkatapos ng impresibong 2019 season performance nito.

Si Burrow ang nanguna sa LSU sa National Championship sa college football.

Kaugnay dito, tatanggap si Burrow ng 100 porsiyento sa kanyang $23.88 million signing bonus sa loob ng 15 araw pagkatapos lumagda ng kontrata.

Ang Cincinnati ay nagnanais umahon mula sa 2-14 record, anupa’t dumadaan ang koponan sa rebuild.

Umaasa ang Bengals na magiging positibo ang kanilang kampanya ngayong nalambat nila ang franchise quarterback na si Burrow.