May 13, 2024

RONALD TUBID, BUMIDA SA PANALO NG TERRAFIRMA DYIP SA PBA 3X3

Balik basketball si Ronald Tubid at tinulungan ang Terrafirma Dyip sa pagbistay sa Barangay Ginebra. Taob ang Gin Kings, 18-16 sa Leg 4 ng PBA 3X3 Second Conference sa Smart Araneta Coliseum.


Pinunan ni Tubid ang puwesto ng injured na si Jebb Bulawan. Nagtala ang 40-anyos na guard ng 3 points, 2 boards at 1 block.

Dahil sa panalo, nangunguna ang Dyip sa Pool C, 1-0. Huling naglaro si Tubid sa San Miguel at natengga ng 2 taon. Hindi na siya nagrenew ng contract noong January 2020. Kalaunan, sumali siya sa Dyip at naging assistant coach at team manager.