May 3, 2024

ROBREDO ‘DI AATARAS SA PRESIDENTIAL JOB INTERVIEW

Kinumpirma na ni Vice President Leni Robredo ang kanyang pagdalo sa “Bakit Ikaw” presidential job interview ng DZRH at Manila Times.

Ayon sa ilang ulat ay sa February 2 siya lalabas sa nasabing programa.

Ang pagdalo ni Robredo ay kinumpirma ni Dr. Cesar Chavez, VP-Station Manager ng DZRH.

“Confirmed! Haharap po si VP @lenirobredo sa “Bakit Ikaw” presidential job interview ng DZRH at Manila Times sa Feb 2, 4-6:30pm, ayon sa pahayag ngayong umaga ni Paolo Espiritu ang kanyang MRO,” ani Chavez.

“Salamat po VP Leni!” dagdag niya pa.

Matatandaan na inulan ng batikos kahapon si Robredo at nag trending pa ang #RobredoDuwag sa Twitter matapos sabihin ng isa sa mga host ng nasabing programa na si Professor Antonio Contreras na hindi dadalo ang bise.

Ngunit ipinaliwanag ni Robredo na una na niyang tinanggihan ang imbitasyon dahil sa ‘conflict of schedule’.

“Ang totoo: I was invited to an interview with DZRH, initially set earlier this month. Ipapasok na sana sa schedule ko, but we were later told it was moved. Yung bagong sched nila was already in conflict with ours, as I had other commitments lined up.” ani Robredo.

“Actually puwede ako next week. Kung willing sila to adjust, iset na natin. Handa naman ako lagi humarap,” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay wala pang sagot ang kampo ni Moreno kung lalabas ba siya sa nasabing programa.