Pinasalamatan ni Senator Robin Padilla si Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla sa kabila ng panawagan ng huli na patayin o ipa-repeal sa Kongreso ang batas na nagpababa sa parusa laban sa illegal possession of firearms.
Nag-ugat ang pahayag matapos ihain ni Remulla ang kagustuhang gawing muli na non-bailable ang mga kaso ng loose firearms dahil sa naitalang 98 porsyento ng mga krimen sa bansa na kinabibilangan ng mga baril na walang lisensya o dokumento.
Sa kaniyang opisyal na pahayag, inihayag ni Padilla na nagpapasalamat siya sa kaniyang itinuturing na kaibigan dahil sa pagkilala sa kasaysayan ng Republic Act 8294—ang nag-amenda sa Martial Law decree na PD 1866 kung saan siya mismo ay nahatulan noong dekada ’90—at sa pagbibigay ng kapaki-pakinabang na konteksto sa publiko ukol sa tinaguriang “Robin Padilla Law.”
