May 17, 2024

ROBERT AREVALO PUMANAW NA, 85

PUMANAW na ang beteranong aktor na si Robert Arevalo nitong Huwebes ng umaga sa edad na 85.

Ito ang masamang balita na ibinahagi ng kanyang anak na si Anna Ylagan sa kanyang Facebook post.

“Robert Francisco Ylagan, a.k.a. Robert Arevalo, peacefully passed away at 10:17am this morning, Aug. 10, 2023,” saad niya.

“Praise God for His mercy and grace. We are grateful that He has given us the best Papa one can ever wish for,” pagpapatuloy ni Anna.

Nagpapasalamat din siya sa ipnakitang pagmamahal ng kanyang ama sa kanila. “Although our hearts are broken, we are comforted by God’s promise that He has a place reserved for you in His kingdom in Heaven where all of us who believe in His son, Jesus, will one day reunite,” aniya.

Ilalagak ang mga labi ni Robert sa Arlington Chapels sa Quezon City sa Sabado at Linggo.