May 18, 2024

FREDDIE ROACH, MAS GUSTONG ILABAN SI PACQUIAO KAY GARCIA

Nais ni Fredie Roach na labanan ni Manny Pacquiao si MIkey Garcia.
Manny Pacquiao an MIckey Garcia

Gumagawa na ng ingay si Sen. Manny Pacquiao sa social media. Ito’y may kaugnayan sa kanyang comeback fight ngayong taon. Katunayan, may ipinost na clip ang Pambansang Kamao sa social media.

Kung saan, nagwo-work-out siya noon sa kanilang residence sa Dasmariñas Village sa Makati.

“Month by month, week by week, day by day. Always focused and ready to fight,” ani Pacman

Ilan sa sitsit na maaring makatapat ni Pacquiao sina Terence Crawford, Errol Spence Jr. at Mikey Garcia. Pero, kinumpirma na ni Top Rank Boss Bob Arum na hindi matutuloy ang laban ni Craword kay Pacman.

Kung si Roach ang tatanungin, mas gusto niyang makalaban ni Pacquiao si Garcia. Gayunman, hindi in-under estimate ng veteran trainer ang 22-anyos na si Garcia.

Sinabi na noong Pebrero ni Roach na ideal si Garcia para isabong kay Pacquiao. At payag siyang matuloy ito.

Napaulat na pinaplantsa ang laban ng dalawa sa Dubai. Kung saan ay target na idaos sa July.

Na ito ang may hawak sa ngayon ng interim WBC lightweight champion.

 “[The] Garcia fight? I really like that fight. I think he’s a good fighter. He’s got very good left hook,” ani Roach told Fight Hub TV.

To beat this guy, you have to do not just the ordinary things. It’s not an easy fight for anybody, even Manny,” aniya.