April 25, 2024

Ro-An Tamondong, kumislap sa Miss Eco Teen International 2020

Muling kumislap ang gandang Pinay nang magwagi sa isang beauty pageant si Roberta Angela Tamondong.

Kinoronahan bilang Miss Eco Teen International 2020 si Ro-An sa torneo na idinaos sa Egypt. First time nanalo ang Pilipinas sa Miss Eco Teen at si Ro-An ang unang Pinay na nagwagi ng titulo sa kabila ng pandemic.

Bukod sa title, nasungkit din ng 5’9 stunner mula Quezon City ang Best In National Costume sa finals.

Sa pre-pageant events pa lamang, pinabilib na ng dalaga ang mga hurado. Wagi rin siya ng Best Eco Dress, 1st runner-up sa Beach Wear prime competition at 2nd runner-up sa talent competition.