May 3, 2024

Rider patay sa truck sa Caloocan

DEDBOL ang isang rider matapos mahagip ng isang truck ang kanyang minamanehong motorsiklo sa kahabaan ng C-3 Road sa Caloocan City, Sabado ng madaling araw.


Hindi umabot ng buhay sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tinamong pinsala sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Nikki Rae Artango, 26, ng Block 26 Lot 47 PH 2 Area 1 NBBS, Navotas City.


Nakapiit namana ngayon habang nahaharap sa kaukulang kaso ang driver ng Isuzu Giga Truck na kinilalang si Andy Rivera, 38 at residente ng Viga Angadanan, Isabela.


Dakong alas-12:01 ng hating gabi nang maganap ang insidente bago sumapit sa kanto ng Torcillio St., Brgy., 22, Caloocan City habang kapwa tinatahak ng dalawang sasakyan ang kahabaan ng C-3 Road patungong Navotas area sakay ang biktima ng isang Yamaha Mio .


Kumabig umano pakaliwa ang biktima para mag-overtake sa naunang sasakyan sa kanya nang aksidente siyang mahagip at magulungan ng hulihan kanang bahagi na gulong ng truck na minamaneho ni Rivera.


Kaagad isinugod ang biktima sa nasabing pagamutan subalit, idineklara itong dead on arrival habang dinakip naman ng mga tauhan ng Sub-Station 1 ng Caloocan police ang truck driver.