April 23, 2024

DATING COLLECTOR NG BUREAU OF CUSTOMS AT ISA PANG SUSPEK, INARESTO NG NBI

ARESTADO sa entrapment operation ng National Bureau of investigation ang isang dating Customs collector ng Bureau of Customs kasama ang dating empleyado ng business tycoon na si Lucio Tan.

Kinilala ng NBI Anti-Organized & Trans-national Crime Division (AOTCD) ang mga nahuling suspek na sina  Atty Juan “John” Natividad Tan, dating Customs Collector sa Lalawigan ng Batangas at ang nagpakilalang kawani ng negosyante na si Benjamin Sebastian.

Ang dalawa ay inireklamo sa National Bureau of investigation, ng isang negosyante.

Nahuli ang mga suspect sa waiting area ng Century Park Hotel, sa Vito Cruz, Malate, Maynila.

Nabatid na humingi ng halagang 11-million pesos ang dalawang salarin  upang ipang-areglo sa mga problema sa imports ng kompanya ni Tan.