May 13, 2024

Reynel Hugnatan, nominado rin bilang ‘Most Improved Player’

Maganda ang bungad ng New Year kay Meralco Bolts veteran forward Reynel Hugnatan. Nominado kasi siya bilang ‘Most Improved Player Award’.

Malaki ang naging papel ni Hugnatan sa Bolts sa nakaraang PBA bubble. Kung saa, umabot ang Meralco sa semifinals sa Clark, Pampanga.

Naglista ang 42-anyos na player ng 12.0 points, 4.3 boards at 2.3 assists per game. Kung mahihirang na MIP, siya ang oldest player na gagawaran sa PBA history.

Si Reynel ay 17-taon nang naglalaro sa PBA. Ang individual PBA awards ay igagawad via virtual ceremony sa January 17.

Nominated din sa award sina Ginebra big man Prince Caperal, Justin Chua at Jason Perkins ng Phoenix. Gayundin sina Rain or Shine forward Javee Mocon at Raul Soyud ng NLEX.