December 19, 2024

RESIGNATION NG 3 PNP GENERALS,15 COLONELS TINANGGAP NA NI PANGULONG MARCOS JR

Sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr., noong araw ng Martes na tinanggap na niya ang courtesy resignation ng labing walong Third Level Officers kabilang ang tatlong Philippine National Police generals at labing limang police colonels na umano’y sangkot sa aktibidad ng iligal na droga.

Ginawa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang pagtanggap ng mga courtesy resignation mga opisyal dahil na rin sa rekomendasyon ng National Police Ad Hoc na nagsagawa ng imbestigasyon.

Ang labing walong (18) mga PNP Officials ay sina:

1. Police Brigadier General Remuls Balingasa Medina, 0-10038.

2. Police Brigadier General Randy Quines Peralta, 0- 05124

3. Police Brigadier General Pablo Gacayan Labra, 0-03734

4. Police Colonel Rogarth Bulalacao Campo, 0-08477.

5.Police Colonel Rommel Javier Ochave, 0-08085

6.Police Colonel Rommel Allaga Velasco, 0-08084

7.Police Colonel Robin King Sarmiento, 0-03552

8.Police Colonel Fernando Reyes Ortega, 0-07478

9.Police Colonel Rex Ordono Derilo, 0-10549

10.Police Colonel Julian Tesorero Olonan, 0-12395

11.Police Colonel Rolando Tapon Portera, 0-07520

12.Police Colonel Lawrence Bonifacio Cajipe,0-12905

13.Police Colonel Dario Milagrosa Menor, 0-07757

14.Police Colonel Joel Kagayed Tampis 0-08180

15. Police Colonel Michael Arcillas David, 0-07680

16.Police Colonel Igmedio Belonio Bernaldez, 0-12544

17.Police Colonel Rodolfo Calope Albotra, 0-08061

18.Police Colonel Marvin Barba Sanchez, 0-08043.

Ang nasabing labing walong PNP officials ay kabilang sa 953 Third Level Officers na iniimbestigahan dahil umano sa pagkakasangkot ng mga ito sa aktibidad tungkol sa iligal na droga.

Sinabi naman ni PNP Chief General Benjamin Acorda Jr., na magpapatuloy ang pagmonitor. Agad din umanong iniutos ni Acorda ang pag-relieve sa puwesto ng labing walong opisyal na kanilang hinahawakan at ililipat sila sa Personnel Holding and Accounting Unit na nasa ilalim ng opisina ng Directorate for Personnel and Records Management para hindi na makapang-impluwensya at makagawa pa ng mga iligal na aktibidad gamit ang kanilang dating mga puwesto at posisyon. (KOI HIPOLITO)