May 4, 2024

Sigaw ng nagkakaisang Nasugbueños… BATELEC 1 OUT, MERALCO IN!

KABIGUAN dahil sa patuloy na mababang kalidad na serbisyo sa elektrisidad ang nagpasidhi sa panawagan ng higit sa 22,000 residente ng bayan ng Nasugbu sa lalawigan ng  Batangas na kumakatawan sa 70 porsiyento ng  subscribers ang sumisigaw ng komprehensibong pagbabago lakip ang petisyong  ibasura na ang  BATELEC 1 sa halip ay ipalit na ang  serbisyo ng  Meralco. 

Sa mga nakaraang buwan, ang  Nasugbu ay dumaranas ng madalas  at mahabang  brownout kung saan ang  ‘voltage fluctuations’ ay malaking epekto at dahilan ng pananalasa sa pagsira ng mga appliances at iba pang kagamitan sa bahay na dumedepende sa kuryente gayundin ang dahilan ng pagkalugi sa sektor ng negosyo.

Ang pagbuhos ng mga reklamo ay imposble nang balewalain dahilan upang ang mga residente ay isulong sa kanilang alkaldeng si Mayor  Tony Barcelon na pangunahan ang  pakikipag-dayalogo sa Meralco.

Ang suporta sa petisyon ay binibigyang diin ang  walang humpay na determinasyon  ng mga residente ng  Nasugbu upang matiyak at makamit ang mas maliwanag na bukas.

 “This isn’t just about electricity; it’s about uplifting our livelihoods,” sambit ng mga nagpe-petisyon  kinapapalooban ng sentimiyentong maugong sa buong munisipalidad.

Walang kapagurang ipinararating  ni Barcelon ang karaingan ng kanyang nasasakupan sa BATELEC I at ang tunay na ahensiya ng pamahalaang may timon sa kooperatba sa elektrisidad.

Sa isang ulat na inilabas ng Regioneer, nangungunang pahayagan sa Batangas, tinawagan ni Barcelon ang BATELEC I na makipag-ugnayan sa lokal pamahalaan at ilatag ang mga opsyon para mailipat na ang serbisyo ng elektrisidad sa Meralco.

Habang lumalakas ang pagkilos at nakukuha na ang momentum, Lalong tumatatag ang paninindigan ng mga residente ng Nasugbu para makamtan ang de-kalidad na serbisyo sa elektrisidad at ito ay magbubunga lamang ng positibo sa komprehensibong suporta ng mga lider ng pamahalaan.  

“Nasugbu stands united, echoing the voice of over 22,000 signatures, demanding nothing short of excellence in electricity services. Together, we urge a transition to MERALCO, symbolizing our unwavering pursuit of quality power for our progressive community,” ani pa Barcelon.