DINOMINA ng mga martial artists mula Katagalugan at Kabisayaan upang maturingan silang bagong combat sudokwan power sa bansa sa pag-ani ng mga medalya sa men and women’s division ng humataw na 1st Sudokwan National Championship nitong nakarasng weekend at the Bethany Baptist Church sports venue sa Dian St., Bgy.Palanan, Makati City.
Nagpakitang-gilas ang Region IV-A combat fighters upang maging most bemedalled team( 4 golds- 3 silver -8 bronze)at pagharian ang kaganapang inorganisa ni dating Asian Games wushu gold medalist Rene Catalan- may ari ng Catalan Fighting System Philippines, may basbas ng World Sudokwan Sports Association sa pakikipagtambalan ng Bethany Baptist Church Makati , The Fraternal Order of Philippine Eagles at 2E Travels.
Pinanguhahan naman ni Rafael Apiliyado ang Region VI (3-4-1)para sa segunda sa pag- ani ng medalya matapos na daigin si Stephen Magbanua via unanimous decision para sa ginto sa 55 kilograms.
Ang iba pang gold medal winners ay sina Edelmark Catalan mula Iloilo matapos mangibabaw kontra Jomar Billorid sa scorecards ng kids division 22kgs.
Nasungkit naman ni Johnrey Alejandro ng Bacolod ang ginto (55 kgs)sa referee stop contest( RSC) dahil sa tinamong injury laban kay Erwin Abejuela ng Marikina City.
Binubuo ng individual champions ng bakbakang suportado ng TNT, Red Bull kaagapay ang Life Vantage,Egg Chief,MMSquare Myotheraphy Clinic and Rehab,AMS Associated Medical Services,Reftec Industrial Supply,Big Red Concept, Team Anderson Li,Catalan Grill and Restaurant, Filipinas Sambo Federation,
Taguig City Hall of Justice,Hayat 1 Dental at Batang Atleta,nina Jhunly Initan sa 46 kgs,Thirdy Malaga sa 32kgs, Cĺark Bautista ( 45 kgs),Robbie Bacoza( 42kgs),Martito Sison(64 kgs) ,John Marvin Callueng(67kgs) ,Adaja Jeromas(69 kgs),Renie Casino ( 70 kgs),Paul Lario(73kgs), John de Cruz(79 kgs) at Ronel Arthur Davis sa 82 kgs.
Sa women’s division naman ay nagreyna si Felona Layona sa 36 kgs habang si Cindy Longcob ang namayani sa 42 kgs.Binuno naman ni Aliah delos Reyes ang 52 kgs habang Angel Ventura ay angat sa 60 kgs.
Ang bumisitang si Vietnamese Sudokwan enthusiast at espesyal na panauhing si Nguyen Quoc Tuy ang nag-gawad ng eleganeng tropeo, medalya at certificates sa mga nagsipagwagi sa prestihiyosong Sudokwan Philippine national event.
“It’s awesome ,it’s great. It is an honor to be part of this momentous event in martial arts here. I’m looking forward to see them( sudokwan artists) showing their talent in Vietnam,” wika ni Sudokwan combat sport Vietnam/ Philippines Ambassador Tuy.
Pinasalamatan naman ni Catalan ang mga umagapay para sa tagumpay ng torneo una ay ang dasal,sa mga atleta( Visayas, Laguna, Mimaropa,Pasay City at Marikina mula NCR at martial artist mula Norte),coaches, followers at sponsors na nag- contribute para sa ‘huge success’ ng buwenamanong pag-larga ng national sudokwan championship sa Makati City ( NCR).
More Stories
DMW SA MGA PINOY: MAG-INGAT SA ONLINE JOB OFFERS
Navotas Funbikers
Healthcare Waste Project isinusulong ang Zero Waste Practices sa mga ospital at pasilidad