May 17, 2024

New look tanggap ng mga fans… JULIE ANNE SAN JOSE, TISAY AT MALA-BARBIE DOLL ANG DATING

CHANGE out look na nga ba si Julie Anne San Jose? At goodbye na nga ba siya sa pagiging Filipina look?

Marami sa mga fans ni Julie Anne, ang natutuwa sa bagong image ng kanyang buhok.

Ang dating niya ngayon kung inyong pagmamasdan, dahil blonde ang kanyang hair ay nagmistula siyang si Barbie Doll.

“Kailangan naman ni Julie Anne iyan, dahil isa siyang mang-aawit at artista. Dapat siyang sumunod sa uso at mag-adjust, kung hindi ay mapagiiwanan siya.

“Kailangan niyang mag-transform, at para hindi naman siya pagsawaan ng kanyang mga tagahanga. Kaya nga siya ‘Limitless Star,’ dahil alagang-alaga siya ng GMA 7,” kwento pa ng isang avid fan ni Julie Anne.